LEKSYUNARYO ISPIRITWAL

Ang Propesiya sa Huling Panahon

ni SIMON FE DOLOR
Ang propesiya ay mga mensahe ng Diyos na karaniwan ito ay babala, paalala at gabay sa mga propeta na binibigyan nito. Nakatatanggap din ng propesiya ang mga santo at kahit ang pangkaraniwang tao na pinili ng langit na bigyan ng pambihirang tungkulin na maghatid ng Kanyang mensahe.

Ang propesiya ay mahalaga gaano man kapayak o kalalim ang pagkaunawa natin sa ating pananampalataya. Nasusulat ito sa Bibliya at naiparating sa mga banal na kinikilala ng Simbahang Katoliko na pinamimitaganan natin. Tunay na makatuwiran lamang na dinggin natin at alamin ang mga ito upang matugunan natin ang tinig ng Diyos.

Dalawa ang maaring pagmulan ng propesiya: Una, ang BIBLICAL ay mula sa luma at bagong tipan kung saan nasusulat sa mga propeta at sa apat na Ebanghelista ang mga propesiya ng mga kaganapan sa buhay ng Panginoong Hesukristo. Pangalawa, ang PRIVATE REVELATIONS ay natatanging paraan naman kung saan ay pinararating ang propesiya ng Diyos sa kanyang mga disipulo, mga santo at mistiko. Gayundin sa pamamagitan ng Mahal na Birhen sa kanyang mga aparisyon.

Dalawa rin ang uri ng propesiya: Ito ang foreknowledge o kaalaman na magaganap sa hinaharap. Ang pagbati ng Sta. Isabel sa pagbisita ng Birheng Maria at tawagin itong, “Bukod kang pinagpala sa lahat ng babae…” sa Aklat ng San Lukas ay magandang halimbawa nito. Ang denunciation ay isang kondisyonal na propesiya. Dito ay maaring magbago ang sitwasyon kung masusunod ang bilin sa mensahe. Katulad ng nasulat sa Aklat ng Jonah kung saan ay nautusan ang Propeta Jonah ng Diyos na ipahayag sa mga taga-Nineveh ang darating na kaparusahan dulot ng kanilang mga kasalanan. Tumugon ang mga taga-Nineveh at nagbalik-loob sa Diyos, lumayo sa kanilang masamang gawi at dahil dito ang daratal na kaparusahan ay hindi pinagkaloob.

ANG PANALANGIN NG SAN MIGUEL ARKANGHEL

Taong 1886 nang idinagdag ni Pope Leo XIII ang isang panalangin kay San Miguel Arkanghel sa Leonine Prayers pagkatapos ng naranasan niya ang isang vision o pangitain noong Oct 1,1884. Narinig nya ang pinaniniwalaan niyang tinig ng Diyos at ni Satanas at binuo nya ang Panalangin ng San Miguel Arkanghel.

Ang pag-uusap na narinig ng Pope Leo XIII na ang Panginoon at ang Diyablo ay ganito:

Sinabi ni Satanas kay Jesus: “Maaari kong sirain ang iyong Simbahan.”
Sumagot si Jesus: “Kaya mo ba? Kung gayon ay gawin mo na.”
Satanas: “Para magawa ko iyon, kailangan ko ng mas maraming panahon at kapangyarihan.”
Hesus: “Gaano katagal? Gaano karaming kapangyarihan?
Satanas: “75 hanggang 100 taon, at higit na malaking kapangyarihan sa mga ibibigay ang kanilang sarili sa paglilingkod sa akin.”
Hesus: “May oras ka, magkakaroon ka ng kapangyarihan. Gawin mo sa kanila ang gusto mo.”

Samakatuwid, kung ito ay naganap noong 1884 at binigyan ng 100 taon, naisakatuparan na ang kapahintulutang pagsira sa Simbahan pagdating ng taong 1984.

Sa loob ng maraming dekada, ang dasal na ito ay ginamit sa simbahan lalo na sa ritwal ng pagpapalayas ng masamang ispirito o exorcism. Subalit ang exorcism ay tinanggal noong Ikalawang Konsilyo Vaticano kaya naman maraming Katoliko ang hindi pamilyar sa panalangin na ito.

ANG PROPESIYA NG SAN MALAKIAS sa 112 NA SANTO PAPA

Si San Malakias o St. Mallachy ay Obispo sa Northern Ireland noong 1132. Sinasabi sa tradisyon na nang dumalaw siya kay Pope Innocent II sa Roma noong 1139, siya ay pinagkalooban ng isang pangitain ng lahat ng magiging Santo Papa sa hinaharap. Isinulat niya ang isang paglalarawan ng bawat isa sa dalawa hanggang apat na salitang Latin at ibinigay ang listahan sa Papa, na labis na nababagabag noong panahong iyon. Wala nang narinig pa tungkol sa listahan hanggang noong 1590 nang matuklasan ito ng isang Benedictine monk, si Arnold de Wyon, sa archive ng Vatican. Ito ay nailathala at nagbigay ng kontrobersya para sa isang propesiya hanggang sa ating panahon.

Subalit kung susundin ang talaan ng propesiya ay kompleto na ang 112 na Santo Papa sa listahan.

110th – Pope John Paul II (1978-2005 ): De Lahore Solis (“From the Labor of the Sun.”)
111th – Pope Benedict XVI (2005-2013 ) From the Glory of the Olivess
112th – ‘Peter the Roman’ Pope Francis ( 2013- to present) Petrus Romanus
Ayon sa propesiya ukol sa ika-112th na Santo Papa (ang Petrus Romanus):
In the final persecution of the Holy Roman Church there shall reign Peter the Roman who will feed his flock amid many tribulations, after which the seven-hilled city will be destroyed and the terrible judge will judge the people. The End.

ANG PROPESIYA NA NAIPARATING KAY MARIE-JULIE JAHENNY

Si Marie Julie-Jahenny na isang Pranses ay nakatanggap ng maraming propesiya mula sa Panginoong Hesukristo, Mahal na Birhen Maria, San Miguel Arkanghel at maraming santo ukol sa magaganap sa katapusan ng mundo at huling yugto ng panahon.
Isang banal na babae mula sa Britanny, France, isinilang si Marie-Julie noong Pebrero 12, 1850. Nang siya ay 23 taon gulang ay nagkasakit ng malubha na halos kanyang ikamatay. Lumala ang kanyang kalusugan at tinanggap na niya ang huling sakramento. Nagpakita ang Mahal na Birhen kay Marie-Julie at sinabing siya ay gagaling. Siya nga ay gumaling at inilaan niya ang kanyang mga oras sa banal na Tabernakulo sa simbahan. Isang araw ay tinanong siya ng Mahal na Birhen kung handa siyang maging bahagi sa mga sakit o Pasyon ni Kristo para sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan at para sa France. Tinanggap ito ni Marie-Julie at lumipas ang ilang araw ay tinaglay nya ang mga sugat na kawangis ng kay Kristo o ang tinatawag na stigmata.

Naihayag ni Marie Julie na magkakaroon ng malaking pagkawala ng pananampalataya sa buong France. Gayundin ang pagpapakilala ng isang ‘Bagong Pagdiriwang’ at isang kasuklam-suklam na ‘Bagong Misa’ sa loob ng Simbahang Katoliko. Sinabi pa sa kanya na magkakaroon din ng pangkalahatang kawalan ng moralidad at mababaligtad ang mga pang-unawa ng tao, paniniwalaan na ang mabuti ay masama at masama ang mabuti… Ilan sa mga propesiyang ito ay ang mga sumusunod:

Pag-atake sa Kamusmusan ng mga Kabataan

Magkakaroon ng mga batas na sisira sa mga kamusmusan at kadalisayan ng mga kabataan. Kahit ang mga musmos ay sisirain nila ang kapurihan ng puso at isipan sa pagsisimula ng mga maling aral. Katulad ng mga aral ng Gender ideology at LGBTQ+ na kaisipan na pilit na pinapasok sa sistema ng politika, media at ibat-ibang sining gaya ng musika, telebisyon at higit sa lahat sa edukasyon.

“Nakikita ko ang napakaraming kaluluwang naliligaw, lalo na ang mga bata, maging ang mga wala pa sa edad ng katwiran… Yaong mga may pananagutan (sa pagkawala ng mga kaluluwa ng mga bata) kung alam nila kung ano ang naghihintay sa kanila sa kinatatakutang paglilitis! Ang mga bata ay pinag-aaral ngayon bilang mga matatanda. Anong kahiya-hiyang mga salita ang naririnig sa kanilang mga tainga at umaalingawngaw sa kanilang mga bibig! Ito ay karima-rimarim at kakila-kilabot….” (Ang Panginoong Hesukristo, 2 Oktubre 1903)

Pag-atake sa Simbahang Katoliko at ang Pangalawang Misa

Ang Traditional Latin Mass ay ang orihinal na Santa Misa na isinasagawa sa loob ng maraming daang taon. Noong 1960’s, maraming grasya ang nawala sa ipinalit na misa ng Novus Ordo ng Second Vatican Council kasama na rito ang tunay na esensya ng “Sakripisyo” ng Santa Misa. Subalit ayon sa Panginoon kay Marie-Julie ay may ihahain pang isa pang ibang anyo ng “Bagong Misa”. Mawawala na ang tunay na pagkilala sa “sakripisyo” ng Santa Misa at ang impluwensya ng kalaban ng Diyos ang may gawa nito kasama ang ilang kakampi sa simbahan at gobyerno rito.

Binalaan tayo ng ating Panginoong Jesu-Kristo:

“Binibigyan ko kayo ng babala kahit ngayon. Ang mga disipulong wala sa Aking Banal na Ebanghelyo ay kasangkot na ngayon sa isang dakilang gawain upang makabuo ng IKALAWANG MISA, isang uri ng kopya, kung kailan gagawin nila ang kanilang ideya sa ilalim ng impluwensya ng kaaway ng mga kaluluwa ng isang Misa na naglalaman ng mga salitang kasuklam-suklam sa Aking paningin….”

(Ang Panginoong Hesukristo, 27 Nobyembre 1901 o 1902, o 10 Mayo 1904. Hindi malinaw ang petsa)

Ang Pulang Ulan

Ang propesiya ng pulang ulan ay pag-ulan ng ilang araw na mag-iiwan ng nakakalasong amoy. Isa itong kaparushan o chastisement na ang bakas nito ay tatagal ng ilang linggo. Hindi kakayanin ng tao ang idudulot nito kaya naman binilin na isara ang mga pinto at bintana ayon sa Mahal na Birhen:

“Aking mga anak, mula sa ulap na ito ay darating ang isang pambihirang ulan, na ang mundo ay hindi pa nakikita, at hindi na makikita pa ng iba hanggang sa katapusan ng panahon. Ito ay magiging isang pulang ulan na mananatiling mamumuo sa lupa sa loob ng pitong linggo… Ang lupain mismo ay mapupuno ng ulan na ito na magbibigay ng makamandag na amoy, isang amoy na hindi kayang tiisin ng sinuman. Ang aking mga tao ay mananatiling nakakulong sa loob ng pitong linggo. Mahirap umalis, dahil ang mundo ay matatakot. Kaya naman ang unang bagyo ay inihayag at talagang darating sa lalong madaling panahon. Kasunod ng bagyong ito, ipalalabas ko mula sa lupa ang isang kakila-kilabot na paso… Ang mga Kristiyano ay hindi makakatiis sa amoy o init. Aking mga anak, huwag ninyong buksan ang inyong mga pinto, o ang inyong mga bintana.” (Ang Birheng Maria kay Marie-Julie, Oktubre 1929)

Ang Schism sa Simbahan. Ang Paghiwalay ng mga Obispo sa Santo Papa

Binanggit ng Mahal na Birhen ang napakagandang handog na taglay ng kaparian bilang mga alagad ng Diyos. Subalit marami ang nagpabaya at magtatakwil sa tunay na pananampalataya. Hihiwalay ang mga obispo sa pagsunod sa Santo Papa. Nakatakda itong mangyari kaya naman magkakagulo sa Iglesya Katolika, sa Roma.

“… Para sa akin ito ang pinakadakilang kalungkutan, dahil para sa kanila ang kapatawaran ay pinakamahirap na matamo… Ang buhay ng isang pari ay napakataas sa mga grasya! Ang mga kaloob na taglay nila ay napakalakas na kung sila ay kilala, lahat ng lumalapit sa kanilang paanan at magsasangguni sa kanila nang may parehong paggalang na parang nakikipag-usap sila sa aking Anak!” (Birhen Maria kay Marie-Julie Jahenny, Nobyembre 1882)

Sa isa pang mensahe na may petsang Nobyembre 1882, mayroong isang babala na nagbibigay-diin sa isa pang malaking welga sa Simbahan bago ang mga pagkastigo. Ang bagong pag-atake na ito ay magsisimula kapag ang mga obispo ay humihiling na ihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa Papa at sa gayon ay lumikha ng isang bagong schismo.

Ang Martiryo sa Simbahan

Nabanggit din kay Marie-Julie ang daranasing martiryo para sa maraming mananampalataya. Ang mga obispo at pari na iilan na magiging tapat sa Diyos ay iaalay ang kanilang buhay. Martiryo at kaguluhan sa simbahan ang magaganap, kaya naman ang Panginoon ay maghahatid ng kaparusahan sa mga kaparian at alagad ng simbahan na biniyayaan Niya ng grasya subalit tumalikod sa Kanya.

Ang Pagpalit sa Kristiyanismo ng Islam at Atheismo

Ang mga Muslim ay sasakupin ang Europa lalo ang France. Sisirain nito ang mga Tabernakulo ng simbahan at tutugisin ang mga kaparian at marami ang magiging martir. Maraming pagbabago at kaguluhan sa France ang magaganap sa anyo ng Islam at kasiraan ng Kristyanismo. Ito ay nabanggit ni Marie-Julie Jahenny na tanda ng pagsisimula ng pagsakop ng Islam sa Kristyanismo sa France.

“Aking mga kinapal, ang mga batas ay makakamit ang kanilang disenyo, ang France, bago ang dalawang taon (dalawang taon pagkatapos ng pagpapatibay ng mga nasabing batas?) (…), ang France ay magiging halos ganap na ‘Mahometan’ at walang relihiyon (…). Sa panahong ito ng kaguluhan, ang mga kahiya-hiyang batas ay ilalabas na naglalayong, bukod sa iba pang mga bagay, na magtatag ng kontrol ng kapangyarihan sa relihiyon, ipailalim ang Klerigo sa rebolusyonaryong kapangyarihan, uusigin ang lahat ng oposisyon, puputulin ang lahat ng antas na ugnayan sa Roma…. ……..” (Panginoong Hesukristo, 13 Abril 1882)

* Mahometan ang tawag sa mga taga-sunod ni Mohammed. Ang termino ay para sa mga tagasunod ng Islam noong panahong bago ang ‘Islam’ at ‘Muslim’ ay ginagamit.

Ang Tatlong Krisis sa bansang France

Isa sa pinakamahalagang propesiyang natanggap ni Marie-Julie Jahenny ay ang nalalapit na krisis na kahaharapin ng France. Ang kaganapang ito ang simula ng kaparushan at paglilinis sa “Eldest Daughter of the Church”, ang France. Sapagkat dito rin magmumula ang simula ng kaliwanagan ng kamalayan ng tao matapos ang kaguluhan at kaparusahan. Ayon sa propesiya, ang France ang unang babagsak, ngunit siya rin ang unang makakabangon.


ANG UNANG KRISIS. Ang paglaganap ng kasamaan. Laganap ang kaguluhan at tila malaya ang lahat na gumawa ng kasamaan. Lalo na sa gitnang suydad nito ang Paris, kung saan laganap na ang pamamahay ng mga Arab o mga Illegal immigrants na karamihan ay Muslim.

ANG IKALAWANG KRISIS. Ang pagsakop sa Simbahang Katoliko at ang labis na paghihirap na kahaharapin ng Roma. Ito ay tatagal ng 5 buwan at malungkot na kamatayan ang maaring kahinatnan ang magaganap.

ANG IKATLONG KRISIS. Ang ikatlong Krisis ay ang propesiya ng pagpapalaya sa France sa pamamagitan ng tunay na Hari na pinili ng Diyos, si Haring Henry V ng Krus, kasama ng banal sa Santo Papa sa Roma. Ang pananakop na ito sa France ay tatagal ng pitong buwan, habang ang tatlong krisis ay tatagal ng tatlong taon…

Ayon nga sa San Miguel Arkanghel sa pagpapakita kay Marie-Julie, 29 Setyembre 1879:

“Upang maibalik ang pinili at itinalaga ng Diyos na Hari, kinakailangan na ang lahat ng naroroon ay alisin…”

Sa mga propesiyang ito, may dalang pag-asa naman ang Panginoon para sa lahat na Kanyang matapat na nilalang. Kahit may naka-ambang panganib sa daigdig at sa France, binanggit ng Panginoong Hesukristo mula sa mga mensaheng natanggap ng banal na Marie-Julie Jahenny na:

“Marami ang mamamatay, ngunit marami ang maliligtas.
Magkakaroon sila ng kanlungan sa ilalim ng Aking Krus at sa Aking Puso.”

The Sanhedrin was the forum for the pharisees, who believed in the resurrection and in angels, and the saducees, who are akin to new theories and philosophies. All beliefs and philosophies concerning God and His creation are allowed to be expressed here.
Copyright © 2021-2023. The Sanhedrin. All rights reserved. Powered by STUDIO EL CID and Ron Mendoza Media